Primary links

Primary Department: Buwan ng Wika

Posted on Sunday the 11th of September 2011

ni Gng. Ana Felisa P. Consignado

Noong ika-25 ng Agosto naganap ang kulminasyon ng Buwan ng Wika. Ang pinakatampok sa nasabing pagdiriwang ay ang pagpili ng Lakan at Lakambini 2011 kung saan ang mga naging hurado ay sina Gng. Jennifer A. Filio, Bernard Bernardo at Cherry Ann D. Magdalaga. Sa nasabing timpalak ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod: Lakan/Lakambini '11-Christian Mariel C. Magadia at Chelei Angel P. Guico; Lakan at Lakambini ng Luzon-Paul Gerard L. Lantaca at Eve Jasmine L. Ligaya; Lakan at Lakambini ng Visayas-Ryan Phillippe F. De Guzman at Yara Leane D. Fabricante; Lakan at Lakambini ng Mindanao-Moiren Yoshri M. Magallanes at Anne Beatrice A. Jose; Lakan at Lakambini ng Maynila-Dave B. Javier at Maxine Kyle M. Aquino; Lakan at Lakambini ng Qatar-Elijah Airelle M. Soriano at Andrea Liana M. Dimapilis at ang pinakamahusay sa pagpapakita ng talent ay sina Christian Mariel C. Magadia at Yara Leane D. Fabricante.

Sa ngalan po ng bumubuo ng Primary Department sa pamumuno ni Gng. Nenita G. Cabral, punong tagapag-ugnay at ng mga guro sa Filipino, taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyo.

Maraming-maraming salamat po.